KIDAPAWAN CITY – Matapos makipaghabulan sa mga traffic enforcer nang halos isang oras, naaresto rin ang isang jeepney driver sa isang Army checkpoint matapos niyang masagasaan at takbuhan ang isang tatlong taong gulang na babae sa siyudad na ito.

Napag-alaman din ng awtoridad na walang driver’s license ang suspek na si Blah Sandoyogan Camid, 30, nang mangyari ang insidente.

Si Camid ay naaresto sa military checkpoint sa Barangay Balindog dakong 5:00 ng hapon noong Huwebes.

Nasagasasan ni Camid ang isang bata habang lulan siya sa kanyang Nissan Vanette.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Nang sitahin ng isang tauhan ng Traffic Management Unit (TMU) at pakiusapan na dalhin ang biktima sa ospital, pinaharurot ni Camid ang sasakyan patungo sa Matalam, kaya hinabol siya ng awtoridad.

Sinabi rin ng traffic enforcer na tinangka umano siyang suhulan ni Camid bago ito nagtangkang tumakas. - Malu Cadelina Manar