Piolo-Iñigo-copy

MAGAGANDA at sunud-sunod ang gagawing projects sa ABS-CBN ni Iñigo Pascual at kaya tuluyan na niyang tinanggihan ang offer sa naipasang audition kasama ang kanyang boyband sa America.

Sabi ng unico hijo ni Piolo Pascual, matagal niyang pinangarap ang launching ng naturang boyband pero kinailangan niyang mamili.

“I’ve talked to may parents about it before turning it down. I had really had a hard time deciding if I would stay here or with the band and I like had sleepless nights because I wanted to be with the band but also I wanted to be here with my parents. You know, it was a hard decision like we just decided not to do it anymore because I wanted to spend time with my dad,” sabi sa amin ng binatilyong anak ni Papa P.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

So, ang main reason kaya ni-reject ng bagets ang offer sa US ay dahil sa ayaw niyang patuloy na mapalayo sa mga mahal niya sa buhay. Dagdag pa niya, may inilatag na pitong taong kontrata ang management ng grupo at iyon ang hindi niya kayang panindigan.

“The contract was seven years and I would be housed with the other guys on it so I’d be stuck, I won’t be able to go away if it’s my dad’s birthday and I’d be stuck,” sey pa ni Iñigo.

Isa rin sa dahilan ang kanyang pag-aaral na kailangan niyang bigyan ng konsentrasyon.

“I don’t want to speak bad about the contract but let’s just say it wasn’t the best choice for me in this point of my life,” lahad pa ni Iñigo.

Malapit nang mapanood ang pangalawang project niya sa Dos, ang Wansapanatym kasama si Julia Barretto kaya sobrang saya ang nararamdaman niya.

“Sobrang saya ang naramdaman ko, and one more thing I’m happy that it’s going to be showing. It’s my second TV project so I’m really excited for this na makita ng tao ang other side ko,” sey pa niya.