Muling umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Pinoy sa Libya na mag-ingat at umuwi na lamang ng Pilipinas matapos masugatan ang dalawang Pinoy seaman sa isinagawang air strike sa pantalan ng Derna, Libya noong Enero 4 kung saan nadamay ang isang Greek-owned oil tanker.

Bagama’t tumanggi si DFA Spokesman Charles Jose na pangalanan ang dalawang Pinoy na nasugatan sa insidente.

Isa sa dalawang Pinoy ang inoperahan upang maalis ang shrapnel na bumaon sa kanyang tiyan.

Inihayag pa ni Jose na ilan pang Pinoy crew ng tanker ang nakaligtas sa insidente.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Subalit iniulat na namatay ang isang Greek at isang Romanian crew dahil sa pagsabog ng rocket na tumama sa deck ng sinasakyang tanker na pinaghinalaan nang magsagawa ng air srike ang umano’y Operation Dignity Forces,ang natitirang armed force sa Libya.

Nilinaw ng DFA nakataas pa rin ang Crisis Alert Level 4 (Manadatory Repatriation) sa Libya kaya pinaalalahanan ang mga kababayan dito na agad lumikas at kumuha ng repatriation program na alok ng gobyerno ng Pilipinas.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa kaanak ng mga nasaktang Pinoy upang ipabatid ang nangyari at magbigay ng ayuda sa mga ito.

Inatasan ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli na bigyan ng kaukulang tulong ang mga nasaktang Pinoy at tutukan ang kanilang kalagayan doon.