Enero 9, 1839 nang isapubliko ng French Academy of Sciences ang proseso ng daguerreotype photography na pinaunlad ng pintor at physicist na si Louis-Jacques-Mande Daguerre (1787-1851).
Ang daguerreotype ay tumatagal ng 30 minuto bago tuluyang mabuo ang imahe, ito ay kinukuhanan gamit ang copper sheet na may halong silver halide sa ibabaw. Inilalagay ito sa isang plate upang mabuo ang imahe.
Tinawag na “L’Atelier de l’artiste,” ang unang imahe ng daguerreotype, ito ay kinunan noong 1837. Ang naunang pamamaraan ay pinalitan ng wet collodion process na nailunsad noong 1851. Gayunman, ginagamit pa rin ang daguerreotype ng ilang mga taong nasanay sa proseso.
Taong 1826 nang maimbento ni Nicephore Niepce ang unang permanenteng larawan, bagamat hindi ito ganoon kalinaw at walong oras ang gugugulin upang mabuo ang imahe.