SANAA (Reuters)— Isang car bomb ang sumabog sa labas ng isang police college sa Sanaa, ang kabisera ng Yemen, noong Miyerkules na ikinamatay ng 35 katao at ikinasugat ng marami pang iba, ayon sa pulisya, halos isang linggo matapos ang isang suicide bombing sa timog ng kabisera na ikinamatay naman ng 30 katao.

Sinabi ni Brigadier Abdulaziz al-Qudsi, deputy general manager ng Sanaa police, na 68 katao rin ang nasugatan sa pagsabog na lumikha ng malaking itim na usok na bumalot sa kabisera.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho