Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang pagiging guilty ng tour guide na si Carlos Celdran sa pang-iistorbo nito sa ecumenical service sa Manila Cathedral noong Setyembre 2010 nang maglabas ng placard na may nakasulat na “Damaso.”

Naiskandalo ang misa sa pangalang Damaso sa placard dahil ang “Damaso” ay mula sa nobela ni Dr. Jose Rizal na tumutukoy sa isang paring abusado na may masamang pamumuhay.

Sa resolusyong inakda ni CA Associate Justice Carmelita Salandanan Manahan, ibinasura ng korte ang apela ni Celdran na humihiling na baligtarin ang desisyon ng Manila Regional Trial Court (RTC).

Batay sa pag-aaral, sinabi ng appellate court na guilty ang tour guide sa “offending religious feelings” na pinoprotektahan ng batas. Makukulong siya ng dalawang buwan at 21 araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kahit dismayado, sinabi ni Celdran na handa naman siyang magpakulong.