ILAGAN CITY, Isabela— Inireklamo ng mga residente ang isang farm na pag-aari ni Philip Whitetaker dahil sa pagdagsa ng langaw na mula sa kanyang poultry na nakakaperwisyo na sa mga tahanan at restoran sa Ilagan City, Isabela.

Ayon kay Barangay Alibagu chairman Alfredo Alluad, masyadong masansang ang amoy ng mga tae ng manok ang pinagmumulan ng mga langaw na nakapeperwisyo sa buong barangay at sa mga katabing lugar. Hindi na umano sila makakain at kahit sa tanghali ay kailangan pa nilang magkulambo sa kanilang pamamahinga.

Sinabi pa ni Alluad na marami na rin sa kanilang mga kabarangay ang dinapuan ng sakit gaya ng pananakit ng tiyan at pagsusuka dahil sa mikrobyong dala-dala ng mga langaw na dumarapo sa kanilang mga pagkain.

Kumilos ang city government at ipinatawag ang may-ari nito at tuluyan nang ipinasara ang operasyon ng poultry ni Whitetaker.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists