Tadtad ng saksak sa leeg at dibdib ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa Bacoor City, Cavite.

Sa ulat na tinanggap ni Cavite Police Director Sr. Supt. Jonnel Estomo, dakong 6:30 ng gabi, nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Molino Boulevard, Bgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite.

Natagpuan malapit sa bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang isang kutsilyo na posibleng ginamit sa pamamaslang. Inaalam pa ng pulisya kung ginahasa ang biktima bago pinatay.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Walang nakitang anumang mapagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng puting T-shirt at pulang shorts.