(Reuters)– Nailabas na mula sa ospital ang boxing legend na si Muhammad Ali makaraang maadmit noong nakaraang buwan dahil sa severe urinary tract infection, ayon sa tagapagsalita ng pamilya noong Miyerkules.

Sinabi ng spokesman na si Bob Gunnell, si Ali, na inilabas noong Martes ng gabi, ay natutuwa sa “outpouring of support and continued well wishes” at sabik nang ipagdiwang ang kanyang ika-73 kaarawan kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Ang three-time world heavyweight champion ay na-admit sa isang hindi pinangalanang ospital noong Disyembre 20 sa pinaniniwalaang mild case of pneumonia. Nadetermina ng mga doktor na si Ali ay nagtamo ng severe urinary tract infection, ani Gunnell.

Si Ali, 72, na tinaguriang “The Greatest”, ay na-diagnose na may Parkinson’s disease may tatlong taon na ang nakalipas makaraan siyang magretiro mula sa boxing noong 1981 na may 56-5 (win-loss) record.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'