Nilinaw ng pamunuan ng US Embassy na walang nakakabit na anumang armas ang aerial target at hindi rin ginagamit para sa paniniktik matapos isang “aerial target drone” ang natagpuan sa isang isla sa Quezon.
Batay sa pahayag ng ng US Embassy, ang drone na nakita sa Patnanungan Islet noong Enero 4 ay isang BQM 74E Aerial Target na pinakawalan sa gitna ng naval exercise sa karagatan ng Guam noong Setyembre 15- 23, 2014. Ginagamit ng mga surface ship at aircraft ang BQM-74E Aerial Target sa military exercises para sanayin ang kanilang mga mandaragat.