Pinaalalahanan ni Vice President Jejomar C.Binay ang mga Pinoy na patungong Hong Kong na huwag magdala ng mga “stunning device” sa kanilang hand-carry o check-in baggage.

Ito ay matapos ihayag ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na umabot na sa 81 ang bilang ng mga Pinoy na naaresto dahil sa pagdadala ng mga stunning device tulad ng tear gas, bala, extendible batons, flick knive at knuckle duster na itinuturing na ilegal na armas sa special administrative region ng China.

“Nananawagan po ako sa ating mga kababayan na maging maingat at huwag nang tangkain pang magdala ng mga pinagbabawal na gamit sa Hong Kong,” pahayag ni VP Binay sa isang kalatas.

“Mahigpit po sila doon at maging ang inyong mga check-in luggage ay kanilang tinitignan at sinisiyasat nang maigi,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapaskil sa Facebook page ng Philippine Consulate General sa Hong Kong “stun guns and other devices such as tear gas, bullets, extendible batons, flick knives and knuckle dusters are considered ‘arms’ under the Firearms and Ammunition Ordinance of Hong Kong.”

“Their unlicensed possession is, upon conviction, punishable by a fine of HK$100,000 and/or a maximum sentence of 14 years imprisonment.”

Ayon sa mga opisyal ng consulate, mahigpit ang pagpapatupad ng Hong Kong authorities sa batas laban sa mga ipinagbabawal na armas.

Ikinuwento ni Eva Villareal Amparo na nagmulta ang kanyang kamaganak ng HK$4,000 dahil sa pagdadala ng stun gun sa Hong Kong. “Mabuti na lang hindi siya blacklisted,” pahayag ni Amparo. - JC Bello Ruiz