Apat na tauhan ng Bacoor City Police sa lalawigan ng Cavite ang nasa hot water matapos arestuhin sa anti-drug operation noong Miyerkules ng hapon sa nasabing lugar.

Nakakulong na ngayon sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite sina PO3 Paul Barriosa Santoeli, PO3 Jay Salondro Ilagan, PO1 Joeyluz Guiruela Pulusan, at PO1 Roger Uy Reble.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch ng Cavite PPO, bandang 1:30 ng hapon sa Barangay Habay 2, Bacoor, na nagresulta sa pagkakadiskubre sa apat na pulis na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga. Sa report na tinanggap ni Cavite PPO Director Sr. Supt. Jonnel Estomo, matapos arestuhin ang mga suspek na hindi na nanlaban pa, nakumpiska sa kanila ang siyam na sachet ng shabu, tatlong 9mm glock na pag-aari ng PNP at isang M-16 rifle.

Sinabi ni Estomo, sakaling mapatunayang guilty ang mga suspek, agarang pagsibak sa serbisyo ang karampatang parusa sa mga ito.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm