AABOT sa pitong porsiyento ng naitalang pagkamatay sa U.S. ay dahil sa flu o pneumonia, ayon sa national Centers for Disease Control and Prevention, na papataas na sa level ng epidemya.

Kumalat na ang nasabing sakit sa 43 na bansa. Narito ang ilan sa mga paraan upang maiwasan ang trangkaso at kung ano ang nararapat gawin kung sakaling nagtamo ng nasabing sakit.

1. Magpabakuna

Nilina ng CDC na ang pagpapabakuna ngayong taon ay hindi nangangahulugan na hindi na dadapuan ng nasabing sakit ang isang indibidwal. Subalit ito ay makatutulong upang makaiwas sa ilang kaso at mabawasan ang malubhang sintomas na tataglayin ng isang indibidwal, ayon kay chief medical adviser ng Consumer Reports na si Marvin M. Lipman, M.D.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

2. Ugaliing maghugas ng kamay

Madalas na nananatili ang mga mikrobyo sa mga espasyo o iba’t ibang bagay na madalas gamitin, katulad ng doorknobs hanggang sa tuluyang kumalat sa iyong katawan kapag ito ay iyong nahawakan. Upang mapuksa ito, huwag basta gumamit ng antibacterial soap -- sapagkat lalo lamang itong kakalat. Bagkus ay gumamit ng malinis na tubig -- hindi mahalaga kung maiinit o malamig -- regular na sabon at huwag madaliin ang paghuhugas. Tagalan ang paghuhugas ng kamay sa loob ng 15 hanggang 30 segundo at maaari ring kumanta ng “happy birthday” ng dalawang beses at buhusan ng malinis na tubig at tuyuin gamit ang bimpo o tuwalya.

3. Gumamit ng alcohol-based hand sanitizer

Siguraduhin lamang na ang produkto ay aabot sa 60 porsiyentong alcohol (ethanol o isopropanol). At siguraduhing tama ang ibinuhos sa iyong mga kamay upang ito ay 10 hanggang 15 segundo bago matuyo, ayon kay Elaine Larson, R.N., Ph.D., professor ng epidemiology sa Mailman School of Public Health sa Columbia University.

4. Pansamantalang dumistansya habang may sakit

Naipapasa ang mikrobyo at ang sakit sa pamamagitan ng pagubo, paghatsing o pagsasalita na maari itong makaabot sa mga taong nasa paligid ng isang indibidwal. Kaya’t iwasang makihalubilo sa mga tao, pagpapaliwanag ni William Schaffner, M.D., chairman ng preventive medicine department sa Vanderbilt University School of Medicine sa Nashville, Tenn. “In the Southeast where flu started this year, we’re still seeing lots of hospital admissions and emergency department visits, so the season has not yet peaked, unfortunately,” dagdag pa ni Schaffner. (Yahoo News/Healh)