PARIS (AP) — Tinutugis ng mga pulis noong Huwebes ang dalawang armadong kalalakihan, isa ay posibleng may kaugnayan sa al-Qaida, sa planadong pagpatay sa 12 katao sa isang satirical newspaper na gumawa ng cartoon ni Prophet Muhammed. Nagdeklara ang France araw ng pambansang pagluluksa para sa tinawag ng kanilang pangulo na “an act of exceptional barbarism.”
Isa sa mga suspek, si Cherif Kouachi, 32, ay kilala na ng French intelligence services, na may kasaysayan ng pagtulong sa mga jihadi patungo sa Iraq at nahatulan sa terorismo noong 2008. Siya at ang kanyang kapatid na si Said, 34, ang itinuturing na “armed and dangerous,” ayon sa French police noong Huwebes, umapela sa mga saksi matapos ang bigong paghanap sa lungsod ng Reims, sa French Champagne country.
Ang ikatlong suspek, si Mourad Hamyd, 18, ay sumuko sa police station sa isang maliit na bayan sa silangang rehiyon matapos malaman na iniuugnay ang kanyang pangalan sa pag-atake sa mga balita at sa social media. Hindi pa malinaw ang kanyang relasyon sa magkapatid na Kouachi.
Itinaas ng France ang kanyang terror alert system sa maximum at pinalakas ang seguridad sa mahigit 800 karagdagang sundalo para magbantay sa mga opisina ng media, mga sambahan, at iba pang sensitibong lugar.
Nilusob ng mga nakamaskara at nakasuot ng itim na kalalakihang armado ng assault rifle ang mga opisina malapit sa Bastille monument ng Paris noong Miyerkules ng tanghali sa pahayagan na matagal nang may banta dahil sa mga guhit nito tungkol sa Islam, ngunit tinatalakay din ang iba pang relihiyon at mga politiko.
Nasa editorial meeting ang staff at dumiretso ang mga suspek sa editor ng pahayagan na si Stephane Charbonnier — kilala sa kanyang pen name na Charb — una siyang pinatay at ang kanyang police bodyguard.
Sumisigaw na “Allahu akbar!” habang sila ay namamaril, ang kalalakihan ay matatas sa wikang French at walang punto habang isa-isang tinatawag ang pangalan ng mga target na empleado.
Walong mamamahayag, dalawang pulis, isang maintenance worker at isang bisita ang namatay, ayon kay prosecutor Francois Molins. May 11 katao pa ang sugatan at apat ang malubha.
“Hey! We avenged the Prophet Muhammad! We killed Charlie Hebdo,” sigaw ng isa sa wikang French, ayon sa video na kuha mula sa katabing gusali.
Isa sa mga suspek ang nagsalita bago umalis na: “You can tell the media that it’s al-Qaida in Yemen.”
Habang patakas bumangga ang sasakyan ng mga supek sa isa pang sasakyan at inagaw ang isa pa bago naglaho sa katanghalian.
Sa isang cartoon, inilabas sa isang isyu nitong linggo at may titulong “Still No Attacks in France,” at may caricature ng isang jihadi fighter na nagsasabing “Just wait — we have until the end of January to present our New Year’s wishes.” Si Charb ang artist.