(Reuters)– Umabante ang top seed na si Caroline Wozniacki at Venus Williams sa Auckland Classic quarterfinals at pinanatiling buhay ang kanilang pag-asa para sa inaabangang final sa pagitan ng pares sa madramang mga sitwasyon kahapon.

Kinailangan ni Wozniacki ng Denmark na lumaban pabalik mula sa 5-2 pagka-iwan sa second set bago nalampasan ang American teenager na si Taylor Townsend, na nagpakita ng magaling na all court game na hinaluan ng malalakas na groundstrokes.

Nakuha ng world number eight ang first set sa 6-1 bago nakuha ng 2012 junior Australian Open champion ang kanyang ritmo upang manalo ng apat na sunod na game sa ikalawang set at kunin ang 5-2 abante.

Ngunit inabot ng kaba si Townsend at nakabangon si Wozniacki sa 5-4 bago naisalba ang tatlong set points para tumabla sa 5-5.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakuha naman ng dating world number one ang tie-break upang kunin ang 6-1, 7-6 (7-4) panalo at iposisyon ang kanyang quarterfinal clash kay Julia Goerges ng Germany.

Ang third seeded na si Williams, na halos 1 oras lang ang itinagal sa court noong Martes, ay kinailangan naman na mas magtagal na laban bago nalampasan si Kurumi Nara ng Japan, 6-4, 6-1, at isaayos naman ang kanyang pakikipagharap kay Elena Vesnina ng Russia sa susunod na round.

Ang Russian world number 64 ay mayroong 2-1 rekord kontra kay Williams, kabilang ang kahangahangang 6-1, 6-3 panalo laban sa American sa unang round ng Wimbledon noong 2012.

“When I played her at Wimbledon it was very special,” lahad ni Vesnina sa mga mamamahayag. “I won that match in two sets and I was so happy because I didn’t expect it.”

“She’s a super great player, but on grass she’s the best of the best and to beat her there was amazing and I’m always saying this is the biggest win of my career.”

“I’ll go on the court and I’ll try to show my best tennis, I’ll try to play aggressively, move her around.”

“Whenever you go on court you want to win the match no matter who you’re playing.”