Itinuturing ng Quiapo Church Fiesta Committee na isang magandang paghahandang ispiritwal para sa Apostolic Visit sa bansa ni Pope Francis ang gagawing Traslacion 2015 bukas, Biyernes o prusisyon para sa pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Monsignor Clemente Ignacio, Rector ng Quiapo Church, ang Papal Visit 2015 at Traslacion ay parehong pagdiriwang ng pasasalamat para sa pagbisita sa bansa ng kinatawan ni Hesus at ang pagdedeboto sa Poong Hesus Nazareno.

Umaasa si Ignacio na maging daan ng mga deboto ang Traslacion 2015 upang tunay na maging makabuluhan at mabunga ang gagawing pagbisita ng Papa sa bansa.

“Magkaroon ng panahon na magbalik-loob sa Diyos, mangumpisal, magdasal, magsakripisyo, pagnilay-nilayan at pagdasalan ang ating tema bilang paghahanda na rin sa pagdating ng Santo Papa kung saan ang ating Poong Hesus Nazareno ay haharapin,” ani Ignacio sa panayam ng Radio Veritas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabatid na nagmula sa tema ng Papal Visit 2015 na “Mercy and Compassion” at selebrasyon ng Year of the Poor ngayong taon ang tema ng Traslacion 2015 na “Espiritu ng Poong Hesus Nazareno, Awa at Malasakit ng Abang Simbahan. “