AiAi-and-Kris-copy

NAKAPASOK na si Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight noong Martes ng gabi at isa sa mga napag-usapan nila ni Boy Abunda ang pagbabati nila ni Ai Ai de las Alas sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Marami ang natuwa sa reconciliation nila pero may ilan ding nagkomento na baka ‘showbiz’ lang ang batian dahil marami raw ang tao nang batiin ng Queen of All Media ang Comedy Queen na hindi na rin nakaiwas.

“I felt that we were bound to bump in each other,” kuwento ni Kris, “so inisip ko na I want to give her something with meaning and kasi all these years that we’re together in PGT (Pilipinas Got Talent), we have a strong faith. Meron pang times na bago kami mag-show, ‘yung mga friend na priest ay magma-master up, kaya if I would reach out, I wanted naman also to have a gift.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

“Naisip ko kasi na baka kung iba ang iregalo ko, baka ibato lang sa akin pero kung may Mama Mary, tatanggapin niya. Kaya naglakas ako ng loob and I’m being ready to snub me, so I said, ‘Happy New Year.’ ‘Tapos sabi ko may regalo ako at nakabalot in apple green, her favorite color.

“And then simple lang ‘yung sinulat ko sa card, sabi ko, ‘Sana handa na ang puso mo na kaibiganin ako ulit.”

At habang nasa Japan daw sina Kris, Josh at Bimby ay nagkakapalitan sila ng mensahe ni Ai Ai.

“Magaan (sa pakiramdam) na we don’t have to avoid each other at ang dami naming mutual friends na hindi malalagay sa alanganin,” banggit pa ng TV host/actress. “I think it’s also testament also na kung nasaan kaming dalawa ngayon sa parte ng buhay namin kaya may maturity na, answered prayer.”

Hindi lang naman si Kris ang nanalangin na muli silang magkabati ni Ai Ai kundi ang taong pareho silang mahal at parte ng buhay nila, si Kuya Boy. Kaya ito na ang pinakamasayang tao na nagkabati na sa wakas ang dalawa lalo wish niya ito bago pa man sumapit ang Pasko at Bagong Taon.

Inamin ni Kris na nag-text sa kanya si Ai Ai ng, “Salamat ha” na sinagot naman daw niya ng, ‘Thank you at nag-text ka sa akin.’

“There’s no need na uungkatin nating lahat, nasabi niya, nasabi ko, parang we will be able to be friends again,” pahayag pa ng Queen of All Media.