Sarah-at-Matteo-copy

KINONTRA ng isang kilalang manghuhula ang hula naman ng isang kilala ring manghuhula na hindi raw magtatagal ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon kasi sa naunang nanghula (Manghuhula A) ay magkakahiwalay ang dalawa sa kalagitnaan ng 2015.

Pero ang sabi ng pangalawang manghuhula (Manghuhula B) ay magtatagal ang relasyong Sarah at Matteo at may naaamoy nga raw siya na maaaring magkatuluyan o may posibilidad na humantong ang dalawa sa pagsasama sa isang bubong.

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP

Katwiran naman ni Manghuhula A, hindi raw match ang mga bituin nina Sarah at Matteo. Kahit sabihin pa raw na super in love ang dalawa sa isa’t isa ay hihilahin sila ng mga bituin nila at magkakahiwalay din.

Sey pa niya, sa umpisa’t umpisa pa lang daw ay may mga tao nang against kay Matteo para kay Sarah. Dagdag pa raw dito ang katakut-takot na problema na pinagdaanan ng dalawa noon at magpahanggang sa ngayon.

Pero pinagtawanan ni Manghuhula B ang hula ni Manghuhula A. Kasi kahit may mga paghamon na pinagdaananan sina Sarah at Matteo ay hindi raw iyon hadlang sa relasyon ng dalawa bagkus ay mas patatatagin ng challenges ang dalawa.

Pero may magkaparehong sinabi ang dalawang manghuhula, na kina Sarah at Matteo ay ang aktor lamang daw ang tuwirang nagmamalaki sa relasyon nila at sa katunayan, pati ang mga kamag-anak niya ay botong-boto sa pop star princess.

Aabangan na lang natin kung anong hula ang magkakatotoo.