Upang makaluwag sa pagbabayad ng tubig ang mga konsyumer, uutay-utayin ng Maynilad ang dagdag-singil sa mahigit walong milyong kostumer nito.
Napag-alaman na kapag ikukumpara sa hirit na P8, kulang pa ang pinagbigyang higit P3 na taas-singil ng Maynilad.
Anila, sa mga kumukonsumo ng 10 cubic meters, mahigit P4 ang itinaas sa bill kada buwan. Sa mga kumukonsumo naman ng 20 cubic meters ay tataas ito ng P1.68/cubic meter o lagpas P33 sa monthly bill habang dagdag na P2.50/cubic meter na katumbas ng halos P80 na taas sa bayarin ang babalikatin ng gumagamit ng 30 cubic meters.
Ayon kay Maynilad Chief Finance Officer Randolph Estrellado, hahatiin sa loob ng tatlong taon ang P3.06/cubic meter na dagdag-singil na inayunan at nilagdaan ng arbitration panel.
Inihayag din ni Estrellado na batay sa approval ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) board, wala pang petsa ng implementasyon ngunit kumpirmado nang maipatutupad ang water rate hike ngayong 2015.