LONDON (AP) — Gumawa ng paraan ang Buckingham Palace upang depensahan si Prince Andrew na inakusahan sa panggagahasa ng isang menor de edad na babae.

Prince AndrewSa ikalawang pahayag simula nang mag-umpisa ang akusasyon, ang mga opisyal “emphatically denied” ang mga alegasyon ng isang hindi nakilalang babae na diumano’y pinilit makipagtalik sa prinsipe noong siya ay 18-anyos pa lamang.

Tinukoy ng babae ang 54 na taong gulang na si Prince Andrew, kilala bilang Duke of York, sa papeles na inihain sa korte ng Florida noong nakaraang linggo.

Ang pagsusumite ay parte ng matagalang kaso laban sa American financier na si Jeffrey Epstein.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi rin ng babae na hinalay din siya ni Alan Dershowitz, 76, isang kilalang abogado na isa sa mga kliyenteng ipinagtanggol si O.J. Simpson.

“I categorically and unequivocally, without any reservations, deny that there was any sexual contract of any kind between me and any of the Jane Does connected with Jeffrey Epstein, whether underage or not,” pahayag ni Dershowitz sa Associated Press noong Linggo.

Sinabi ni Dershowitz, isang professor emeritus sa Harvard Law School na siya ay naghain ng pagpapawalang bisa laban sa akusasyong ipinupukol sa kanya.

“I am challenging the woman to come forward and state it publicly and to file criminal charges against me.”

Sinabi niya na siya ay sumangayon upang ipawalang bisa ito.

“I have no fear. I have nothing to hide,” sambit ni Dershowitz

“It is emphatically denied that the Duke of York had any form of sexual contact or relationship with (the woman),” sinabi ng Buckingham Palace sa isang panayam. “The allegations made are false and without any foundation.”