PATULOY pa rin ang paghahanap ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang bansa tulad ng Indonesia, Amerika, atbp. upang tuluyang makita ang mga bahagi

ng bumagsak na eroplano ng AirAsia na pinaghihinalaang nasa ilalim ng Java Sea.

Habang sinusulat ito, 30 bangkay na ang nakukuha sa karagatan. Iba nito, naka-seatbelt pa sa kanilang mga upuan. Sa kabuuan, tinatayang 162 pasahero ang namatay sa trahedya. Hinala ng mga eksperto, pangunahing dahilan ng pagbagsak sa AirAsia Airbus 320-200 ay ang pagsuong nito sa masamang panahon - bagyo na may kasamang kidlat. May balita pa, na hindi pinayagan ang nasabing eroplano na makalipad, ayon sa awtoridad ng Indonesia. Sumasagi sa isipan ko ang Philippine Airlines (PAL), na gumagamit ng kaparehong modelo ng eroplano. Ang mainam sa PAL ay hindi ito lumilipad kapag may bagyo, lalo pa kung dumadaluyong. Hindi nito sinusugal ang buhay ng kanilang mga pasahero para lang kumita. Kanselado agad ang flight kapag masungit ang panahon. di tulad sa mga “budget” airline na mura nga ang pamasahe, mura din ang buhay. Kasi nga talagang pursigidong lumipad dahil maliit lang ang patong at kikitain. Paano na lang kung kanselado pa ang lipad.

Kaya huwag magtaka kung bakit bagsak-presyo ang ibang airlines. Kapag ganoon na ang usapan, paano kumikita ang kumpanya? At anong mga raket ang puwedeng gawin ng kumpanya upang lumobo ang kita at mahabol ang pinuhunan? Sa madaling salita, may sinasakripisyo sa eroplano. Ano iyon? Napaghahalata ang ganitong mga lagaristang airline na mahilig sa tinaguriang “overbooking”. Sa payak na paliwanag, kung 162 ang upuan sa eroplano, lampas 170-180 ang binebenta. Naniniguro na kapag may pasaherong ‘di makasipot o magkansela, maaari pang pagkakitaan ang bakanteng upuan. Hindi bawal ang “overbooking”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kagawian ito ng industriya, pero may tinatakdang bilang na sapat lang sa “overbooking” para hindi perhuwisyo sa pasahero at baka ma-delay pa ang flight. Ang ipinagbabawal ay katulad sa nangyari nito lang nagdaang panahon ng Pasko (lokal na airline din) na pila-pila ang mga pasahero. Ang iba, nakitaang galit at nagrereklamo sa media sa kakahintay, o nakatulog sa paliparan, mabagal na serbisyo, walang eroplano atbp. Ang totoo – namantala ang kumpanya para makaratsada sa taunang uwian sa probinsiya.