Nai-raffle na sa Korte Suprema ang apat na petisyong inihain kontra taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Samanatala, kahit naka-recess pa ang mga mahistrado, maaari pa ring makapaglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa MRT at LRT fare hike.

Nakapaloob sa statement mula sa Office of the Chief Justice, partikular na nai-raffle ang petisyong inihain ng grupong Bayan at dating Iloilo Congressman Augusto Syjuco.

Base sa Internal Rules ng SC, maghihintay si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng rekomendasyon ng mahistradong naatasang humawak sa kaso, kung magpapalabas ba ng TRO para mapahinto ang pagpapatupad ng taas-pasahe.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa Enero 20 pa magbabalik-sesyon ang mga mahistrado ng SC.

Ayon kay SC public information chief, Atty. Theodore Te, depende kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung agad nitong mahihimay ang apat na petisyon.

Inihain kamakalawa ng hapon ang dalawang reklamo, habang kahapon dalawa pang petisyon naman inihain ng United Filipino Consumers and Commuters at Bayan Muna party-list.