HIWALAY na si Nicholas Sparks at ang asawa niyang si Cathy Cote makalipas ang 25 taong pagsasama bilang mag-asawa, kinumpirma ng best-selling author sa US Weekly.

PHOTO-Nicholas-Sparks-at-Cathy-Cote“Cathy and I have separated,” pagsisiwalat ni Nicholas, 49, sa US. “This is of course not a decision we’ve made lightly. We remain close friends with deep respect for each other and love for our children. For our children’s sake, we regard this as a private matter.”

Ikinasal noong 1989 sina Nicholas at Cathy at nagkaroon ng limang anak, sina Miles, Ryan at Landon at ang kambal na sina Lexie and Savannah.

Nakilala si Nicholas sa mga libro na karamihan ay ginawang pelikula. Ang ilan sa mga ito ay ang The Notebook, The Best of Me, The Last Song at A Walk to Remember.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagkakilala ang dating mag-asawa habang nag-aaral sa Notre Dame. Sa isang panayam sa GQ nitong nakaraang Oktubre, sinariwa ni Sparks kung paano sila nagkakilala ni Cathy. Lunes nang magkakilala sila, at kinabukasan, Martes, sinabi ni Nicholas kay Cathy na: “I will marry you.”

Nagpalitan ang dating mag-asawa ng mga liham, katulad ng kuwento sa isa sa kanyang mga pelikula. “Between March, when we met, and May, when we graduated, I don’t know, a hundred love letters?” pahayag ni Sparks. “A hundred and fifty?”

Sa isang panayam sa HuffPost Live noong 2013, sinabi niyang si Cathy ang inspirasyon sa maraming babae sa kanyang mga istorya at pelikula katulad nina Rachel McAdams (The Notebook), Miley Cyrus (The Last Song), Julianne Hough (Safe Haven) at marami pang iba.

“I married a woman who loves a lot,” paglalarawan ni Sparks kay Cathy. “Certainly every female character I’ve ever crafted is a lot like my wife. They’re intelligent and loyal, they’re funny. And most of all, they’re not wishy-washy women. They’re good, solid women.” - US Weekly