DAHIL masigasig ang paghahanap mo ng mapapasukang kumpanya sa mga job fair, may trabaho ka na ngayon. Congratulations! Ngayon ang susunod mong hakbang upang ihanda ang iyong sarili sa buhay-propesyonal ay ang pagkakaroon mo ng kumpiyansa sa sarili.

Kahit para isang bihasa nang propesyonal, mahirap kung minsan ang magkaroon ng kumpiyansa sa pagpapahayag ng kanilang sarili. May mga nauutal kapagkinakausap ng boss o ng kliyente. May hindi mapakali kapag nasa presentation. Minsan din na sa kabila ng iyong pag-iingat, nangyayari ang mga pagkakamali kung kaya hindi mo alam kung ano ang iyong magiging reaksiyon, lalo na kung nakaharap ka na sa iyong superyor. Kung wala kang kumpiyansa sa sarili, malamang na hindi ka magtagal sa kumpanyang iyong pinaglilingkuran, lalo na kung may rating system ito ng iyong ugali at performance bilang manggagawa.

Narito ang ilang tips upang mapaigting ang iyong kumpiyansa nang sumikad ang iyong career:

    VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

  • Magtanong. – Sinusuwerte ang mga curious sa lugar ng kanilang trabaho. Mayroon kang duties and responsibilities na dapat tuparin, mayroon ka ring mga target, ngunit kung hindi mo aalamin kung bakit mo ginagawa ang iyong mga tungkulin, hindi na aangat ang iyong karungungan maging ang iyong propesyon. Kapag naghanap ka ng mga kasagutan sa paulit-ulit mong mga tanong, at ang pagkakaroon ng katiyakan na ang ginagawa mo ay makatutulong sa iyong matamo ang kumpiyansa sa iyong trabaho, magiging mas mahusay kang manggagawa.
  • Aminin ang iyong pagkakamali. – Sa iyong pagtatrabaho bilang isang propesyonal, magkakamali ka paminsan-minsan sa kabila ng iyong pag-iingat. Kapag kinagalitan ka ng iyong boss o ng iyong superyor, hindi nangangahulugan iyon na galit siya sa iyo o umaabuso siya sa kanyang kapangyarihan. Tanggapin mo ang kanyang mga sinasabi at gamitin mo iyon bilang gabay upang hindi mangyari ang parehong pagkakamali. Hindi ka lang niyon ginagawang mapagkumbaba, mabibigyan ka rin niyon ng kumpiyansa na manatiling mahinahon sa sandali ng mga kabiguan sa iyong career.

Sundan bukas.