Pinagpapaliwanag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi si Vice Mayor Artemio Simundac kaugnay sa pagkakagamit ng isang rescue vehicle sa pamimili sa S&R na naging viral sa social networking site na Facebook.

Pinagpiyestahan ng netizens ang post ng Top Gear Philippines tampok ang litrato mula sa isang source na nagpapakita sa dalawang babaeng nagkakarga ng mga pinamili sa isang sasakyan na may nakalagay na rescue at pangalan ni Simundac.

Ayon kay Tess Navarro ng Muntinlupa Public Information Office, nakita na ng alkalde ang litrato at hindi nito nagustuhan ang pangyayari dahilan para hingin naman paliwanag ng bise-alkalde.

Sinabi pa ni Navarro, na maging si Simundac ay blangko rin kung bakit nagamit sa pamimili ang rescue vehicle ng lungsod.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na