Kaugnay sa Pista ng Poong Nazareno sa Biyernes, Enero 9, pinapayagan ni Supreme Court Chief (SC) Justice Maria Lourdes Sereno ang mga korte sa Lungsod ng Maynila na mag-half day simula 12:00 ng tanghali.

Sa isang kalatas mula sa Public Information Office (PIO) ng SC, sakop ng half day work ang first at second level ng mga korte, Court of Appeals (CA) at kataas-taasang hukuman.

Regular naman ang operasyon ng ibang korte sa labas ng Maynila.

Samantala, nilinaw ni Atty. Theodore Te, chief PIO, na bukas ang kanilang tanggapan kahit na sila ay naka-recess.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Sinabi ni Te, maaring aksyunan ni Sereno ang mga kahilangan para sa pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) base sa rekomendasyon ng member-in-charge.

Alinsunod na rin, aniya, ito sa internal rules ng SC.