Posibleng makabalik na sa loob ng dalawang linggo si San Antonio Spurs star Kawhi Leonard mula sa isang hand injury, sinabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Si Leonard ay nagpapagaling mula sa isang torn ligament sa kanyang shooting hand at inaasahang sasabak sa magagaan na aktibidad sa basketball ngayong linggo, ayon pa sa mga source.

Nakakita ang mga doktor ng pagbawas ng pamamaga sa kanyang kamay, at naniniwala silang magbabalik ito sa full strength na walang limitasyon o iba pang problema.

Si Leonard ang 2014 NBA Finals MVP para sa defending champion na Spurs at isa sa elite defenders ng liga. Hindi pa siya naglalaro mula noong Disyembre 15 kontra Portland, at lumiban sa 10 sunud-sunod na laro.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Siya ay nag-average ng 15.2 puntos, 7.6 rebounds at dalawang steals kada laro para sa Spurs. - Yahoo Sports