INABANGAN at mainit na pinagusapan ng televiewers at netizens ang pagsisimula ng ikatlong kuwento ng hit Kapamilya Christmas TV special na Give Love On Christmas tampok ang awardwinning actors na sina KC Concepcion at Paulo Avelino.

KC-Paulo_REGGEE-copyAyon sa viewership survey ng Kantar Media noong Lunes (Enero 5), wagi ang pilot episode ng Give Love On Christmas Presents Exchange Gift na nagtala ng national TV rating na 12.4%, lamang ng limang puntos sa katapat nitong programa sa GMA na The Ryzza Mae Show (7.2%).

Bukod sa ratings, panalo rin ang pilot episode ng Exchange Gift sa Twitter dahil naging nationwide trending topic ang hashtag na #GLOCExchangeGift hatid ng mga nakakakilig na eksena nina Anna at Christian, ang mga karakter na ginagampanan nina KC at Paulo.

Mas kinasasabikan ang pagpapatuloy ng Give Love on Christmas Presents Exchange Gift ngayong nagpakasal na sina Anna at Christian. Inaabangan kung paano nila haharapin ang bagong kabanata ng kanilang relasyon bilang buhay mayasawa.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Matutupad pa ba nila ang mga pangakong binitawan nila sa panahon ng matitinding pagsubok?

Ang Give Love On Christmas ay binubuo ng tatlong kwento na iikot sa pamilya, relasyon, at pag-ibig. Kabilang dito ang “Exchange Gift” nina Paulo at KC, “The Gift Giver” nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, at Louise Abuel, at ang “The Gift of Life” nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Pamaskong handog ito ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang.