Enero 8, 1889 nang pagkalooban si Herman Hollerith (1860-1929) ng Patent No. 395,782 sa kanyang imbentong Hollerith Tabulating Machine.

Ang nasabing imbensiyon na isang punch card system ay unang ginamit sa United States census noong 1890. Ito ay binubuo ng pantograph, card reader, tabulator dials at sorting table. Ang orihinal na modelo ay nagagamit sa pagbibilang ngunit walang kakayahan sa pagbabawas.

Ang maliit na paper card na mayroong butas ay ipinapasok sa isang lusutan na may kakayahang makapasok upang maisagawa ang pagbibilang. Isang wire ang pumapasok sa butas na magsasara ng electric circuit at irehistro ang datos. Kapag naproseso na ng card, itatala na ng operator ang mga datos gamit ang dials, aalisin ang card at uulitin ang dials.

Tinawag bilang “Father of Modern Automatic Computation,” inimbento rin ni Hollerith ang unang key punch at automatic card-feed mechanism. Nagsanib-puwersa ang Tabulating Machine ni Hollerith at ang dalawa pang kumpanya sa International Business Machines (IBM) noong 1924.
Probinsya

Iba't ibang bayan sa Palawan, lubog sa baha; ilang mga hayop, patay matapos maanod