SANTA IGNACIA, Tarlac - Sinawing-palad na mamatay ang isang helper sa construction site matapos makuryente habang inaalis ang kable sa punongkahoy na nakakonekta sa poste ng kuryente sa Barangay Timmaguab, Santa Ignacia, Tarlac.

Idineklarang patay habang isinusugod sa Don Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa Malacampa, Camiling, Tarlac si Romeo Rama, 57, ng Poblacion East, Santa Ignacia, Tarlac.

Nabatid na ang biktima ay helper sa bulldozer na ino-operate ni Charlie Gragasin, 56, ng Gerona, Tarlac.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'