Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na walang consular services sa DFA-ASEANA sa Macapagal Boulevard sa Parañaque City at sa lahat ng mall-based DFA Satellite Offices (SOs) sa Metro Manila sa Enero 15 hanggang 19.

Ayon sa DFA walang pagproseso sa pasaporte, releasing at iba pang consular services sa mga nasabing petsa batay sa Proclamation No. 936, series of 2014 na nagdedeklara ng special non-working days sa National Capital Region (NCR) bunsod ng pagbisita sa bansa ni Pope Francis.

Para sa katanungan ukol sa pasaporte, magpadala ng e-mail sa [email protected].

‘Oratio Imperata for Peace,’ inilabas na ng CBCP