SA pagpasok ng taon, dadayuhin ng Motorcycle Diaries ngayong Huwebes ang Davao City para kilalanin ang pinuno ng siyudad na kilala sa kanyang ‘di umano’y “kamay na bakal” na pamamahala – si Mayor Rodrigo Duterte.

Binansagan si Duterte bilang “The Punisher” ng isang sikat na magasin noon dahil sa mala-berdugo niyang mga linya laban sa mga kriminal sa kanilang siyudad. Noong 2009, sinabi ni Duterte na, “If you are a criminal or part of a syndicate that preys on the innocent people of the city, for as long as I am the mayor, you are a legitimate target of assassination.”

Makakasama ng host na si Jay Taruc si Duterte sa isang biyahe para kilalanin kung sino nga ba ang nasabing mayor sa likod ng kanyang mga kontrobersiyal na mga pahayag.

Dadalhin din si Jay ng kanyang motorsiklo sa isang makulay na cultural experience, ang pamamasko ng mga katutubong Matigsalog. Makikilala sa episode na ito ang mga katutubong may pagmamahal sa kanilang musika, habang pilit na inaangat ang kanilang pamumuhay.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Abangan ang Motorcycle Diaries ngayong alas-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.