Bahagyang umaliwalas ang pamumuhay ng mga Pinoy noong Disyembre, iniulat ng Philippine Statistics Authority.
Ito, ayon sa PSA, ay bunga ng maluwag na inflation rate bunsod ng mababang presyo ng langis sa mga nagdaang buwan.
Binanggit ng PSA na natapyasan ng isang porsiyento ang November inflation rate para maitala sa 2.7 porsiyento sa Disyembre.
Bumulusok pababa sa 2.3 porsiyento ang core inflation rate mula 2.7 porsiyento noong Nobyembre, dagdag ng PSA.
“The significant decline in international oil prices is a dampener on domestic inflation as this has led to lower domestic pump prices, lower transport costs, and lower prices of some imported commodities,” pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando M. Tetangco Jr.
Dahil dito, ayon pa kay Tetangco, ay hindi muna gagalawin ng Monetary Board ang policy rates.
Naunang inilista ng BSP na maglalaro sa 2.4 hanggang 3.2 porsiyento ang inflation rate para sa December 2014.