SAN JOSE, Batangas— Nakaligtas ang isang dalawang taong gulang na babae habang sugatan ang tatlong kasamahan nito nang mahulog sa kanal ang kanilang sinasakyang van sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) tollway sakop ng San Jose, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Jose Ferrano, walang tinamong sugat ang batang si Gwen Alexa Rivera, samantalang nasugatan ang driver ng van na si Eulogio Bagsit at Marciano Rivera, 62, pawang residente ng Barangay Soro-Soro, Batangas City.

Isinugod ng mga tauhan ng STARtollway ang dalawang biktima sa Batangas Medical Center.

Hindi naman nagpagamot ang isa pang pasahero na si Rosita Rivera, 53, na nagtamo rin ng galos sa katawan.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 1:05 ng umaga noong Enero 7, nang matanggal ang isang gulong ng 14 wheeler truck (ZPS -359) na may kargang mga baka sa bahagi ng Km 89 sakop ng Barangay Lapu-Lapu 2nd, San Jose.

Sumalpok ang natanggal na gulong sa Nissan urvan shuttle van na may plakang SKU-529 na nasa kabilang linya na sinasakyan ng mga biktima.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van kaya nahulog ito sa kanal.