PHOTO-TIED_FB

Ni MALU CADELINA MANAR

KIDAPAWAN CITY – Nasa balag na alanganin ang isang guro sa pribadong elementary school matapos niyang itali ng lubid ang apat na estudyante niya sa Grade One na nagpasaway sa klase.

Inamin ng baguhang guro, dating volunteer ng Department of Education (DepEd), sa pamunuan ng Central Mindanao Colleges (CMC), isa sa mga pangunahing kolehiyo sa North Cotabato, na gumamit siya ng lubid upang itali ang mga paa ng kanyang mga estudyante. Iniutos din niya sa mga mag-aaral na tumayo sa harap ng klase.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Isang magulang ang kumuha ng litrato ng kanyang anak na lalaki habang nakatali ng lubid at ipinost ang larawan sa kanyang Facebook account, na umani ng reaksiyon mula sa mga kaibigan at kakilala ng ginang.

Sinabi ng CMC management na tututukan nila ‘seriously’ ang problema.

“Sanctions would be imposed upon the teacher for violating children’s rights,” sinabi sa media ng isa sa mga opisyal ng eskuwelahan.

Ayon sa CMC, mahigpit na ipinagbabawal ang pananakit sa mga bata sa loob ng eskuwelahan, sinabing katumbas ito ng karahasan at pang-aabuso.

Kinumpirma naman ni Lilibeth Depante, guardian ng isa sa mga naparusahang estudyante, na“indeed, the management has conducted an investigation of the incident.”