Muling sisikad ang pinakaaabangang ika-11 edisyon ng takbuhan sa paligid ng Bonifacio Global City sa Taguig City sa darating na Enero 25 na para sa Market Education program ng Philippine Stock Exchange (PSE).

Binansagang 11th PSE Bull Run 2015, ang 4-in-1 footrace ay tatampukan ng 21-kilometrong distansiya, kasama ang side events na 10-km., 5-km. at 3-km.

Bukod sa event singlets at loot bags para sa mga lalahok sa nabanggit na kategorya, may dagdag na Finisher's T-Shirts at Finisher's Medals pa ang matatanggap ng lahat ng makakakumpleto ng 21-km. route.

Pagkakalooban ang Top 3 sa kalalakihan at kababaihan sa lahat ng distansiya ang cash prize, bukod sa mga pasadyang medalyon na ipagkakaloob ng punong-abalang PSE at ng organizers na sina Adlai Asturiano at Maryanne Ringor ng AdEvents.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Halagang P800, P700, P600 at P500 ang registration fee, ayon sa pagkakasunod, para sa mga itinalagang distansiya.

Para sa iba pang kaalaman at makahabol sa pagpapatala, bumisita sa AdEvents Manila-Home o mag-text sa mobile phone na 0918-4674206.