Kagagaling pa lamang mula sa dalawang linggong bakasyon, muling magkakaroon ng pansamantalang break ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 77 ngayong darating na Enero 15 hanggang 19 bilang pagbibigaydaan sa nakatakdang pagbisita sa bansa ng Santo Papa.

Matapos ang huling playdate para sa first round ngayong darating na Linggo na magtatampok sa pinakahihintay na women’s volleyball Finals rematch ng defending champion Ateneo at De La Salle University sa Mall of Asia Arena, magkakaroon ng break sa kapanahunan ng pananatili sa bansa ni Pope Francis.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Enero 21.

Bukod sa volleyball ay magkakaroon din ng isang linggong break kasunod ng nakatakdang double-header sa Enero 14 sa FEU-Diliman pitch.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kasabay na rin ng volleyball magpapatuloy ang kompetisyon sa Enero 21 sa pamamagitan ng tig-dalawang laro sa FEU-Diliman at Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo.

Gayundin, matapos ang kanilang opening weekend matches (Rounds 1 and 2) para sa Season 77 chess tournament sa darating na Enero 10- 11 na gaganapin sa gusaling Henry Sy sa loob ng De La Salle campus ay magkakaroon din ng break para sa Papal visit.