Nagdiwang ang mahigit 700 pulis sa Caloocan City sa turnover ceremony ng 21 bagong patrol vehicles na ipinamahagi ng alkalde sa pulisya nang inanunsiyo ni Mayor Oscar Malapitan na tataas ng P500 ang allowance ng mga pulis-Caloocan mula sa dating P1,000 kada-buwan.

Sinabi ni Malapitan na hindi na kailangan pang pumila sa cashier ang mga pulis para kumuha ng allowance, dahil ito ay direktang ihuhulog ng City Treasurer’s Office sa kanilang ATM.

“Maliit na halaga lang po, pero sanay ay makatulong ito sa hanay ng mga pulis dito sa Caloocan City,” pahayag ni Malapitan.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm