Tony Wroten

PHILADELPHIA (AP) – Wala si LeBron James. Gayundin sina Kyrie Irving at Dion Waiters.

Sa dulo, nawala rin ang 17-point lead ng Cleveland.

Umiskor si Tony Wroten ng 20 puntos at nakuha ang go-ahead layup sa huling 9.1 segundo upang buhatin ang Philadelphia 76ers kontra sa short-handed na Cavaliers, 95-92, kahapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Philadelphia ay 0-14 sa kanilang bakuran ngayong season.

Nagtapos si Kevin Love na may 28 puntos at 19 rebounds para sa Cavaliers, na naglarong wala sina James at Irving dahil sa injuries. Wala rin si Waiters at dalawang reserves dahil sa isang trade.

Nai-trade ng Cleveland si Waiters sa Oklahoma City at nakuha ang guards na si J.R. Smith at Iman Shumpert mula sa New York Knicks sa isang three-team deal.

Isang nakadidismayang 19-16 matapos matalo sa Philadelphia, nakuha ng Cavs ang protektadong 2015 first round pick ng Thunder. Ipinadala rin ng Cleveland ang reserves na sina Lou Amundosn at Alex Kirk at ang 2019 second round pick nito sa Knicks.

Lumiban si James sa kanyang ikalimang sunod na laro dahil sa strained knee and back at maaaring ma-sideline ng isa pang linggo. Pananakit naman sa likod ang dahilan ng hindi paglalaro ni Irving, at una nang nawala sa Cavs ang starting center na si Anderson Varejao sa kabuuan ng season dahil sa Achilles injury.

‘’I just think it felt like we didn’t have our firepower,’’ sabi ni Love. ‘’I’ve been there before, but we should have been able to pull this one out if we just would have played better.’’

Makaraang mabura ang 17 puntos na kalamangan ng Cavaliers, iniangat ito ni Love sa 92-90 sa kanyang free throws sa natitirang 1:09.

Sinagot ito ni Wroten ng isa mula sa free throw line, at pagkatapos ay sumalaksak para sa go-ahead layup sa huling 9.1 segundo para sa 93-92 abante. Ito ang nakatulong upang maputol ng Sixers ang kanilang 14-game losing streak sa kanilang bakuran.

Si Waiters, ang No. 4 pick sa 2010 draft, ay naging sentro ng trade speculation sa nakaraang dalawang season. Siya ay nag-average ng 15.9 puntos noong nakaraang season, ang pinakamataas na average para magsa kahit sinong reserve sa Eastern Conference.

‘’We had it under control, we just didn’t bury them,’’ saad ni Love. ‘’We felt this was a team we should have beat.’’

Si Michael Carter-Williams ay naglista ng 18 puntos at 13 assists para sa Sixers makaraan niyang lumiban sa isang laro dahil sa pamamaga ng kanang balikat. Naipasok ni Carter-Williams ang isang jumper sa nalalabing 4:45 upang hilahin ang Sixers sa 86-80 na nagpaingay sa 17,771 crowd.

‘’We could see how electric it was and a hostile environment,’’ ani Wroten.

Naging matatag si Wroten, na nagmintina sa lahat ng anim niyang 3-point attempts, sa ikaapat na yugto. Ang kanyang driving layup ang naglista sa bilang sa 88-86, at naitabla niya ang laban sa sumunod na possession. Naglaho ang Cavs sa second half, nagmintis sa 11 sunod na attempt sa third at fourth quarters, isang araw matapos maglaro sa Dallas.

‘’We knew in the third and fourth quarters they would be a little bit tired, and we really tried to use that to our advantage,’’ turan ni Carter-Williams. ‘’We tried to get out and run.’’

Sina Amundson at Kirk ay nasidelin para sa Cavaliers. Si Smith o Shumpert ang posibleng pumalit sa dating papel ni Waiters sa backcourt.

‘’It’s never easy to have that kind of thing happen at any time during the season and certainly not right before a game,’’ saad ni Cavs first-year coach David Blatt.

Resulta ng ibang laro:

Charlotte 104, Boston 95

Dallas 96, Brooklyn 88

Washington 92, New Orleans 85

Chicago 114, Houston 105

Denver 110, Minnesota 101

Memphis 105, New York 83

Indiana 105, Utah 101

Portland 98, LA Lakers 94

Golden State 117, Oklahoma City 91

Atlanta 107, LA Clippers 98