TANAUAN CITY, Batangas - Patay ang isang construction worker habang nasugatan naman ang kasama niya matapos silang makuryente habang nangingisda sa Lawa ng Taal na sakop ng Tanauan City sa Batangas.

Dead on arrival sa Laurel Memorial District Hospital si Domingo Brio, 18, habang nakaligtas naman ang kasama niyang si Sonny Catarinin, 32, kapwa stay-in worker sa compound ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Barangay Ambulong sa lungsod.

Ayon sa report mula kay Supt. Christopher Olazo, hepe ng Tanauan City Police, nanghuhuli umano ng isda ang mga biktima gamit ang kuryente ngunit sila ang nakuryente dakong 8:00 ng gabi nitong Enero 4.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador