Reuters– Hindi naging maganda ang umpisa ng season ni Rafael Nadal at ang kanyang comeback mula sa injury nang biguin sa unang round ng Qatar Open, 1-6, 6-3, 6-4, sa kamay ni German journeyman Michael Berrer kahapon.

Ang Spaniard ay tila patungo sa malaking panalo nang kanyang kunin ang unang set sa warm-up event para sa Australian Open ngayong buwan.

Ngunit ang 127th-ranked na si Berrer ay nagpakawala ng mga malalakas na hampas sa bawat sulok ng court upang agawin ang kanyang unang panalo laban sa isang top five player.

"These things happen after a long time without being on the road... being in competition. I was playing with more nerves because after a long time away I wanted to win," pahayag ng world number three na si Nadal sa mga mamamahayag. "My motivation and my hunger to keep doing things well is still the same."

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bagamat malaking panalo ang nakuha ng 34-anyos na German sa kanyang huling season sa tour, ayaw naman niyang magpadala rito.

"It's really unbelievable," ani Berrer. "Losing 1-6 felt like the other matches against him so I had to do something. It's my last season, I'm going for it, I have nothing to lose, I'm enjoying it here so why not.”

"It's one of the matches that will stay in my memory but, let's be honest, it was the first match for Rafa after many months of injuries, so we have to be realistic. But for me great."

Si Nadal ay nagkaroon ng tatlong break points upang itabla ang third set sa 5-5, ngunit sa kabila ng kabang naramdaman ni Berrer, na nakakuha ng dalawang double faults habang sinusubukang selyuhan agad ang laban, nagpakatatag ang German upang panoorin ang kanyang kalaban na paluin ang service return na lumabas para sa match point.

Habang ang 14-time grand slam champion na si Nadal ay dapat na isipin ang Plan B upang maging handa para sa unang major ng season, hindi naman nagkaproblema si Novak Djokovic na pinatalsik ang kapwa Serb na si Dusan Lajovic, 6-2, 6-1.

Sa kanyang unang appearance sa isang hardcourt event, habang nagpapainit para sa Australian Open, hindi nagpakita ng anumang sakit si Djokovic na nagpaliban sa kanya sa isang exhibition event sa Abu Dhabi noong nakaraang linggo upang umabante sa ikalawang round.

Susunod na makatatapat ng Serbian top seed, na tatargetin ang ikalima niyang titulo sa Australian Open, si Sergiy Stakhovsky ng Ukraine.