Wala pa ring natatanggap na kopya ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng naiulat na aprubadong dagdag-singil sa basic rate ng tubig ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI).

Ito ang inihayag kahapon ni Dr. Joel Yu, chief regulator ng MWSS, na nagsabing nagulat din sila sa pagpapalabas ng pahayag ng Metro Pacific at ng DM Consunji, kapwa majority owner ng Maynilad, kaugnay ng panibagong water rate adjustment.

Nitong Lunes ay aabot sa average na P3.06 kada cubic meter na katumbas ng P1.68 ang dagdagsingil sa mga kumokonsumo ng 20 cubic meters kada buwan.

Matatandaang Setyembre 2013 nang nagpalabas ng desisyon ang MWSS at iniutos ang pagtapyas sa singil sa tubig matapos ihirit ng Maynilad ang P8.58/cubic meter na dagdag-singil nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nilinaw ng MWSS na hindi sila nagkasundo ng Maynilad kaya dinala nila sa arbitration ang usapin.

“Sana po mayroon pang pagkakataon ang mga partido dito sa arbitration na tanungin ang panel kung anumang clarification na maaaring i-raise namin,” apela ni Yu.