NAALIW kami sa pilot episode kaya muli naming napanood kahapon ang ikalawang araw ng Give Love On Christmas Presents Exchange Gift nina Paulo Avelino at KC Concepcion at sa totoo lang, hindi pa rin kami nayamot sa kuwento at mga eksena.

KC-Concepcion-copySi Sharon Cuneta ang nasa isip namin kapag solo scene na ni KC dahil kamukhang-kamukha niya ang nanay niya pati ang pag-arte at pananalita noong bago pa lang ang megastar showbiz.

Para kaming nanonood ng PS I Love You, Dear Heart at iba pang pelikula nina Sharon at Gabby Concepcion sa makabagong panahon.

Ganito pala ang nababagay na papel ni KC sa serye o sa pelikula, anak-mayaman na nagkagusto sa ordinaryong lalaki, itinira sa probinsiya at walang alam sa gawaing bahay.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Light drama/comedy lang ang nakikita naming bagay sa aktres at hindi ang mga heavy drama dahil parang hindi siya kapani-paniwala dahil ang ganda ng mukha niya.

Samantalang si Paulo naman ay parang si Gabby noong araw na hindi na kailangang mag-effort para magpaguwapo dahil guwapo o cute naman siya at hindi na rin niya kailangang umarte nang husto dahil nararamdaman naman ang acting niya maski hindi siya si Nathan sa Walang Hanggan at si Patrick sa Sana Bukas Pa ang Kahapon.

Curious tuloy kami kung ano ang papel ni Paulo sa seryeng Bridges na ang sabi sa amin ay sobrang heavy dahil tailor-made nga sana ito kay John Lloyd Cruz.