KASABAY ng pagsikat ng kantang We Are All God’s Children, na sinulat at kinanta ng inspirational diva na si Jamie Rivera, ay ang unti-unti na ring nakikilala si Landa Juan.

Jamie-Rivera-copy-253x300Dati nang sumikat si Landa noong 80s dahil naging dancer siya ng Penthouse Live, hosted by estranged couple Martin Nievera at Pops Fernandez.

Si Landa ang nag-interpret ng nasabing inspirational song sa pamamagitan ng gestures at actions na likha para sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas ngayong January 15 to 19.

Kung paano binigyang-buhay sa pamamagitan ng gestures ang kanta? Kumunsulta raw sa website for deaf and blind si Landa para maging sakto ang mensahe ng kanta sa mga kilos na kanyang nilikha for the song.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“If you would listen to the lyrics it shows mercy and compassion so we wanted to bring out the message of the song even more to bring more meaning to it so that is basically our inspiration that we can share it more with other people,” pahayag ni Landa.

Ngaragan ang preparasyong inilaan niya para mabuo ang nais niyang ipakahulugan sa kanta.

“I only had three days they needed it ASAP, so I have to finish it. I had listened to the song over and over again and internalized the song. There were some parts na hindi na kaya ng powers ko, nag-Google na ako, I went and search for the deaf and mute so that mas ma-interpret ko properly, to give justice to the words,” paliwanag ni Landa.

Proper and fitting for Landa ang nasabing break na ibinigay ng kaibigang si Jamie to interpret the song dahil active siya sa pagsisilbi sa Panginoon.

“When I left Penthouse Live, I became more active with Ligaya ng Panginoon and because of our community we have entertainment, where Christian music was used even more, so mas nahasa ako sa interpretative dance,” pagtatapos ni Landa.