Itinalaga kamakalawa ng National University (NU) ang multi-titled coach na si Roger Gorayeb bilang bagong coach ng women’s volleyball team.

Papalitan ni Gorayeb, na itinalaga ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang head coach sa bubuuing Philippine Women’s National Team na isasabak sa Asian Volleyball Confederation Women’s Under 23 championships, ang dating coach ng NU Bulldogs na si Ariel dela Cruz.

Si Gorayeb, na kasalukuyang athletics moderator at head coach din ng San Sebastian College–Recoletos (SSC-R), ay una nang humawak sa Ateneo De Manila University (ADMU) sa liga bago lumipat sa Bulldogs.
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25