PORT WASHINGTON, Wis. (AP) — Humarap na sa korte ang Saved by the Bell aktor na si Dustin Diamond para sa kasong inihain laban sa kanya sa usaping pananaksak sa Wisconsin bar noong araw ng Pasko.
Ayon sa kanyang abogado, wala kahit isa sa mga nakasaksi ang nakakita na nanaksak ang aktor, ngunit ayon sa Ozaukee County judge ay mayroong sapat na ebidensiya upang ipagpatuloy ang kaso sa hukuman.
Inilahad ng fiancee ni Diamond na si Amanda Schutz sa mga pulis na itinulak niya ang isang babae na nagsalita ng masasakit at nanggulo sa kanila ni Diamond sa The Grand Avenue Saloon, base sa criminal complaint. Nagkasakitan ang babae at si Schutz at may dalawang lalaki na pumigil sa huli sa pamamagitan ng kanyang buhok, sabi ni Diamond sa mga imbestigador.
Sa paglilitis noong Lunes, tumestigo ang Police Washington officer na si Ryan Hurda na kinompronta at itinulak si Diamond ng lalaki nang maghamon ito ng away. Ang kapatid ng lalaki “intervened when he heard the snap of a knife,” pahayag ni Hurda.
Sinabi ng officer na hindi nito nakitang may sinaksak si Diamond, at walang video na magpapatunay sa nasabing pananaksak.
“No, it’s not distinct, but you see he’s holding some type of object in his right hand,” saad ni Hurda.
Sinabi ng defense attorney na si Thomas Alberti sa judge na isa man sa kalahating dosenang taong tinanong sa bar ay walang makapagsabi na nakita nilang nanaksak si Diamond. - Yahoo News/Celebrity