TUWANG-TUWANG ikinuwento sa amin ni Aiko Melendez na very successful ang kanyang “first major concert” with guests Richard Gomez at ang natsitsismis na nakabalikan na niyang si Jomari Yllana.

Aiko-Melendez-copy-300x252Present sa concert ang buong pamilya ni Aiko sa pangunguna ng ina niyang si Mommy Elsie at dalawang anak niyang sina Andrei at Martina. Siyempre, ipinadama rin ng halos lahat ng close friends niya ang kanilang suporta.

“Happy ako kasi bukod sa kumita talaga, eh, kumpleto ang mga taong gusto kong makita. Kumbaga, doon mo talaga makikita kung sino ang mga kaibigan mo talaga,” sey ng magaling na aktres.

Nakadagdag pa sa kasiyahan ni Aiko ni singko ay hindi nagpabayad ang dalawang special guests niya.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

Ngayong tapos na ang concert, haharapin naman ni Akikay ang kanyang bagong serye sa ABS-CBN. Ito bale ang follow-up sa Give Love On Christmas Presents The Gift Giver ng Dreamscape ni Sir Deo Endrinal.

Pero nakiusap si Aiko na huwag muna naming banggitin ang title ng kanyang bagong show sa Dos dahil ipinagbabawalan pa ng produksiyon.

“Hindi ko pa p’wedeng sabihin ang title ng soap ko na susunod, eh. Alam n’yo na, bawal pa raw. Basta ako ‘yung lead villain,” banggit pa rin ni Aiko.

Makabuluhan din sa kanya ang nagdaang Kapaskuhan dahil nakabawi siya nang husto ng pahinga after ng sunud-sunod na puyatan sa taping ng “The Gift Giver,” birthday show, at Maalaala Mo Kaya with Xyriel Manabat.

Napangiti si Aiko nang banggitin namin ang sinabi ni Jomari sa isang interbyu tungkol sa relasyon nila ngayon, na magkatulong daw sila ngayon sa buhay.

“Totoo naman ‘yun, kasi we have each other like you know, he races, he needs support, I’m there, so, it’s vice versa. We don’t want to complicate things now, if we get back together kasi there’s too much complication. So, I think it’s better left this way. If God, you know, kami talaga ‘yung meant for each other till the end, then I think God will find a way,” sey pa ng magaling at premyadong aktres.