LEMERY, Batangas - Kaagad binawian ng buhay ang isang walong taong gulang na babae habang malubha namang nasugatan ang lima niyang kamag-anak makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang tricycle sa Lemery, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Kimberly Maala, at nasa Anters Funeral Homes na sa Lemery ang labi ng paslit.

Nilalapatan pa ng lunas ang mga nasugatan na sina Gaylord Maala, 35; Xyree Maala, 34; Krissy Love Joy Maala, 13; Kent Marlwin Maala, 12; at Carl France Maala, 11, pawang taga-Barangay Wawa, Lemery.

Dakong 10:15 ng gabi nitong Enero 4, sakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Gaylord patungo sa kabayanan ng Lemery nang mula sa likuran ay mahagip sila ng hindi natukoy na sasakyan sa highway na sakop ng Bgy. Malinis. Hindi umano huminto ang sasakyan at tumakas patungo sa direksiyon ng Taal.
National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH