Ni Christina I. Hermoso

Aabot sa 2,500 pari at 200 obispo ang kasama ni Pope Francis sa concelebrated mass sa Quirino Grandstand sa Manila sa Enero 18 na inaasahang dadagsain ng milyungmilyong Katoliko.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, chairman ng Committee on Information and Media Relations, mayroon ding espesyal na lugar na inilaan para sa may 500 person with disabilities (may kapansanan), 500 mula sa maralitang pamilya, at 500 mula sa sektor ng relihiyon na bibigyan ng kaukulang identification card.

Ang misa ay bibigkasin ni Pope Francis sa English habang ang “Sumasampalataya Ako (Apostle’s Creed)” ay sa Filipino.

National

17 Pinoy seafarers na binihag sa Yemen, nakalaya na – PBBM

Ang intercession ay bibigkasin sa iba’t ibang diyalekto, tulad ng Hiligaynon, Kapampangan, Waray, Cebuano, at Bikolano.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng milyun-milyon sa misa, aabot sa 5,000 ministro ang ipakakalat sa lugar upang magbigay ng komunyon sa 20 itatayong communion chapel.

Ang mga puting payong na may markang “Holy Father” ang magsisilbing palatandaan ng mga kapilya.

Mahigit sa 5,000 ang magsisilbing event usher na aasiste sa mga dadalo sa misa.