SAN FABIAN, Pangasinan – Kaagad na nahuli ng mga tauhan ng San Fabian Police ang dalawa sa tatlong suspek sa panghahalay sa isang saleslady sa Barangay Aramal sa bayang ito.

Sa panayam kahapon kay PO2 Irine Roboza, nakilala ang mga suspek na sina Danilo Imbisan, 22; Bernard Mayugba, 22; at Richard Mati, 27, overseas Filipino worker, pawang taga-Bgy. Aramal.

Nadakip na kahapon sina Imbisan at Mati, na kasintahan ng nakatatandang kapatid ng biktima.

Nabatid sa pagsisiyasat na sales lady sa Metro Manila ang 21-anyos na biktima at umuwi lang sa Pangasinan para bumisita sa kanyang pamilya.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Naimbitahan ang magkapatid na makipag-inuman sa tatlong suspek hanggang sa nakitulog ang mga ito, pero halinhinan umanong ginahasa ng mga suspek ang biktima. - Liezle Basa Iñigo